Wednesday, September 9, 2009

Found Yah! Rosas ng Digma at Ang Tugon

Rosas ng Digma

Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan
Buhay mo’y laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang sa’yo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma

(Refrain)
Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta

Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo
Nagbibigay-buhay sa bawat puso
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting
Sa langara’y kislap ng bituin

(Repeat refrain twice)

Gaya ng pag-ibig na alay ko sinta


Ang Tugon

Ika’y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi pilit na umalpas
Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo’y napadpad
Katulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo’y iparating
Sa rosas ng iyong paningin

(Refrain)
Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta

(Repeat refrain)

Gaya ng pag-ibig na alay ko sinta

2 comments:

Kenneth said...

Sa mani Spwing oi. It's EDSA all over again. hehe Mabuhay ang bagong inay. Mabuhay!@! harhar

AngelSpring said...

Toink! klaro wala basaha! tralala jud!!!